sa bingit ng isang paalam by spongcola
Sunday October 08th 2006, 2:17 am
Filed under: Uncategorized

Sa isang tingin ko lang
agad ko nang napupuna
sa likod ng yong tingin
at kung paano ka tumitig sa’kin

Tulad ng unang bituing
iyong matatanaw
sa nag-aambang dilim
buong ningning pa rin kahit makain

kinakailangan nga bang magtuos?
wala tayong dapat simulan
ako’y kaharap mo’t nandito ngayon
sabihin kung naguguluhan

sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos
sa isang saglit lahat malilipol
di ko mahahayaan na walang magagawa
ayaw kitang lumuhang nag-iisa

pasensya na’t ako’y nauutal
bumabagal ang pintig
bumibigat laman ng aking dibdib

hayaan mong hawakan ko
ang iyong kamay
upang mapawi ang lamig
ng init pang nararamdaman

kailangan nating isiping lubos
ano nga bang ating dahilan?
san nga ba tayo nakatuon?
kay rami nang nagdaan

kung meron lang ako ng pagkakataong
sabihin sayo ang lahat

maya-maya’y
di na rin magtatagal
matatapos ang gabi’t
ang nagdaa’y di na mananatili

saan nga ba tayo nakatuon?
ano nga bang ating dahilan?





     
No Comments so far



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)